Joanalyn Obispo ang aking ngalan.
Bayan ng mga "bagakay" aking pinagmulan.
Ang babaysot na ito'y pawang Sariayahin,
Inana't amama ko'y pawang Castanasin.
Dito sa Peyups ako'y bagong salta la-ang
Pero hindi naman halatang ako'y taga-linang.
Gusto mo bagang halikwatin aking pagkatao?
Wag nang mag-abala't ako na ang magkukwento.
Marahil ako'y nini kung iyong titingnan
Ngunit sa maraming bagay ako'y maalam naman.
Wala akong maraming rikusitos sa katawan
Kaya't ako'y iyong mapag-aaguwantahan.
Sa aki'y di ka mababarino.
Magkakatalamitan tayo pamihado.
Maski yanong banas o dag-im man,
Ako'y naandine la-ang kung iyong kailangan.
Atuhan mong ako'y maging kaibigan,
Ako'y makakasama mo sa iyakan man o halhalan.
Kung sa IKOT man tayo'y magkasuno,
Ako'y dadasig nang ika'y makaupo.
Ako'y yakagin mo la-ang na mag-uli,
Siguradong tayo'y magkakaari.
Ako nama'y maalwang kasama.
Hindi mo ako makikitang nag-aalma.
Sa barikan ako'y di mo mayayaya
Pagkat sa amoy ng serbesa ako'y aduwa.
Ako'y barino sa mga talandi.
Ang maligalig nama'y hindi ko kasagpi.
S'ya-s'ya! Tama na ang huntahan.
Baka sa haba nari'y sabihin mo'y "Kainaman!"
Bagi'y dahil dine'y ika'y masura.
Maigi pang tayo'y magminindal sa CASAA.
No comments:
Post a Comment