Sunday, February 27, 2011

What Are Words If You Really Don't Mean Them When You Say Them?


"What kind of guy would I be if I walked out when she needed me the most?"


These words from Chris Medina's American Idol audition touched a lot of people's hearts.

He was referring to his fiancee, Juliana Ramos. They have been engaged for two years and they were about to get married when a terrible accident happened to Juliana just two months before the wedding. After a month and a half in coma, she woke up but she was almost paralyzed and her brain was severely damaged. Since then, Chris has been taking care of her.

Many people were touched by Chris and Juliana's story. We admired Chris because he loved Juliana so much that he didn't leave her when she lost her beauty, her health and her ability to do things on her own. Chris knows that he might have to spend his whole life taking care of her but he never gave up. Not a lot of men can do that for a girl.

I heard some people say that he used Juliana to get sympathy on American Idol. I would say those people probably never had enough love in their loves to believe that a love like this could exist. I only see pure and selfless love here and I am hoping for all the best for the two of them. Besides, Chris didn't need sympathy to get him through Idol. He is a great singer.

He only made it to the Top 40 and didnt't make it to the Top 24. But fortunately for him, he already has a single out even before the Top 24 live shows started. A songwriter, Rodney Jerkins, was touched by Chris's story and immediately wrote a song specifically for him to record.

Here's a video of the song and below are the lyrics. I hope you love it as much as I do and I hope it touches you the same way Chris touched our hearts when we first saw him.





What Are Words by Chris Medina

Anywhere you are, I am near
Anywhere you go, I'll be there
Anytime you whisper my name, you'll see
How every single promise I keep
Cuz what kind of guy would I be
If I was to leave when you need me most

What are words
If you really don't mean them
When you say them
What are words
If they're only for good times
Then they're done
When it's love
Yeah, you say them out loud those words
They never go away
They live on, even when we're gone

And I know an angel was sent
Just for me and I know I'm meant
To be where I am and I'm gonna be
Standing right beside her tonight
And I'm gonna be by her side
I would never leave when she needs me most

What are words
If you really don't mean them
When you say them
What are words
If they're only for good times
Then they're done
When it's love
Yeah, you say them out loud those words
They never go away
They live on, even when we're gone

Anywhere you are, I am near
Anywhere you go, I'll be there
And I'm gonna be here forevermore
Every single promise I keep
Cuz what kind of guy would I be
If I was to leave when you need me most

I'm forever keeping my angel close

Tantalus

Ikaw ang hari ng Olympus,
Panginoon ng mga mortal at busabos.
Pagsamba ng lahat, sa iyo gigugugol
Habang ika'y nakaluklok sa tronong ginto at marmol.

Ika'y bumaba sa iyong trono
At nagpasyang dalawin mga mortal na tao.
Kaligayahan ko'y di kayang sukatin
Nang tahanan ko ang iyong piliin.

Pagdating mo'y isang kapistahan,
Sinalubong ka ng sayawan at kantahan.
Ngunit dahil ako'y walang pulot at ambrosia,
Puso ko ang ihinain sa mesa.

Subalit tila ika'y nainsulto
At nagalit sa kapangahasan ko.
Nais ko lamang namang ika'y pasayahin
Ngunit aking alay, basura ang 'yong tingin.

Kaya ngayon, sa Tartarus ako'y nagdurusa.
Tubig at prutas na sa aki'y umaanyaya,
Lumalayo sa tuwing aabutin,
Tulad ng pag-ibig mong ipinagkait sa akin.

In-Between At Pag-ibig

Bawat dating ng baraha’y sinisilip,
Tinitingnan kung may swerteng kalakip,
Binibilang kung ilan ang pagitan
At kung may baryang pang maipupuhunan.


Di malaman kung swerte bang matatawag
Pagkat toreng nahamig, bigla na lang nabubuwag.
Di malaman kung malas ba’t inaalat
Pagkat minsan nama’y nakakabagat.


Di sigurado kung ako’y susugal
Pagkat madalas sa iyo’y nasusupalpal.
Ang panalong ipinapatikim mo sa akin,
Bigla mo rin palang babawiin.


Gaano ba kalaki ang dapat itaya
Upang maisubi hinihintay na gantimpala?
Napapagod na sa kakaasa
Na aayon sa akin at gaganda ang balasa.


Kay tagal ko nang sa iyo’y nakikipaglaro.
Kailan kaya ako susuko?
Kapag wala nang panaya at puhunan?
O pag puso ko’y pagod nang lumaban?

Pakilala A La Sariaya

Joanalyn Obispo ang aking ngalan.
Bayan ng mga "bagakay" aking pinagmulan.
Ang babaysot na ito'y pawang Sariayahin,
Inana't amama ko'y pawang Castanasin.

Dito sa Peyups ako'y bagong salta la-ang
Pero hindi naman halatang ako'y taga-linang.
Gusto mo bagang halikwatin aking pagkatao?
Wag nang mag-abala't ako na ang magkukwento.

Marahil ako'y nini kung iyong titingnan
Ngunit sa maraming bagay ako'y maalam naman.
Wala akong maraming rikusitos sa katawan
Kaya't ako'y iyong mapag-aaguwantahan.

Sa aki'y di ka mababarino.
Magkakatalamitan tayo pamihado.
Maski yanong banas o dag-im man,
Ako'y naandine la-ang kung iyong kailangan.

Atuhan mong ako'y maging kaibigan,
Ako'y makakasama mo sa iyakan man o halhalan.
Kung sa IKOT man tayo'y magkasuno,
Ako'y dadasig nang ika'y makaupo.

Ako'y yakagin mo la-ang na mag-uli,
Siguradong tayo'y magkakaari.
Ako nama'y maalwang kasama.
Hindi mo ako makikitang nag-aalma.

Sa barikan ako'y di mo mayayaya
Pagkat sa amoy ng serbesa ako'y aduwa.
Ako'y barino sa mga talandi.
Ang maligalig nama'y hindi ko kasagpi.

S'ya-s'ya! Tama na ang huntahan.
Baka sa haba nari'y sabihin mo'y "Kainaman!"
Bagi'y dahil dine'y ika'y masura.
Maigi pang tayo'y magminindal sa CASAA.